.Humingi ng paumanhin si Erwin Tulfo sa mga manonood at radio listeners ng T3 Kapatid, Sagot Kita! dahil sa mga salita na binitiwan nila kahapon, May 7, ng kanyang mga kapatid na sina Ben at Raffy sa programa nila sa TV5.
Ito ay kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng kuya nilang si Mon Tulfo at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, noong Linggo, May 6.
Ito ay kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng kuya nilang si Mon Tulfo at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, noong Linggo, May 6.
Nag-apologize si Erwin ngayong umaga, May 8, sa Punto Asintado—ang radio program nila ni Martin Andanar na napapanood sa AksyonTV at napapakinggan sa Radyo Singko 92.3.
Pahayag ni Erwin, “Kung kayo ho ay... kung hindi ninyo nagustuhan, kahit hindi kayo kasama sa problemang ito, ang amin pong paumanhin.
“Maging ang aming ina ay hindi nagustuhan dahil ito raw ay pagbabanta.
“Ang sagot ho namin sa aming ina, ito ay bugso ng damdamin. Inilabas lamang ho namin yung aming sama ng loob.
“Nevertheless, hindi pa rin karapat-dapat bilang isang broadcaster.
“Kami ho ay humihingi ng paumanhin sa aming mga tagapakinig, sa mga nasaktan po, sa mga natakot.
“Kami ho ay humihingi ng paumanhin—lalo na po yung mga nanood kahapon.
“Anyway, ‘ika nga, e, nasa korte na ang problema na 'yan at isa pa, e, naiparating na namin ang mensahe kaya...
“Ang inyo pong pang-unawa at paumanhin sa mga salitang binitiwan namin kahapon dahil hindi naman po ito tinatangkilik ng aming istasyon, ng TV5 Network, sampu ng management.
“Mula po sa may-ari, sa pangulo, lahat ng mga opisyales ng TV5 ay hindi po sinasang-ayunan ang mga ganoong klase ng matatalas na pananalita kaya po kayo na ang umintindi.
“Kami po ay humihingi ng kapatawaran, sampu ng aking mga kapatid.
No comments:
Post a Comment
..Into it? Please leave a comment!