Nagkaroon
ng dance number ang dalawa sa opening number kung saan napuno ng
hiyawan ang studio mula sa mga nonood dahil sa sobrang kilig. Nagkaroon
din ng interview with Sarah and Gerald sa second to the last gap ng show
kung saan ininterview ng regular co-host ng show na si Luis Manzano ang
sikat na love team. Dito ay nagkaroon ng kulitan ang dalawa at
binalikan ang mahahalagang moments kung paano nagsimula ang kanilang
pagkakaibigan.
Sa last portion ng show, kung
saan kumanta rin ng kanyang closing song si Sarah, ultimate kilig ang
lahat sa mensahe ni Gerald kay Sarah, gayundin ang mga romantic gestures
niya, gaya ng mga birthday gifts, birthday messages at ang constant
holding hands nila.
Mala-pelikula rin ang
naging palitan nila ng mensahe sa last part ng episode. Nagbigay kasi ng
birthday message si Gerald at iniabot din niya kay Sarah ang kanyang
birthday gifts. “Happy birthday! Wish ko talaga sa ‘yo sana mahanap mo ‘yung mga sagot sa mga tanong mo at mahanap ‘yung happiness na matagal mong hinahanap,” bungad ni Gerald sa mensahe niya kay Gerald.
Sinagot naman ito ni Sarah ng , “Thank you sa joy, sa kilig sa inspiration na naibahagi mo sa akin, sa aming lahat. Wish ko ang friendship natin mag-last forever. Andito ako sa ‘yo para suportahan at maging mabuting kaibigan para sa ‘yo.”
Unang
ibinigay ni Gerald ang flowers kay Sarah at sinundan ito ng isang
kahon. Nang binuksan niya ito, ang unang laman ay isang white T-shirt na
may print na “Babe” na tawagan nilang dalawa.
No comments:
Post a Comment
..Into it? Please leave a comment!