Wednesday, August 1, 2012

President Aquino Speech during the 25th anniversary of ABS-CBN's TV PATROL: "Airs his side against Noli de Castro"

Tatlo ang naging layunin ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa kanyang talumpati kagabi, ika-27 ng Hulyo, sa selebrasyon ng 25 taong TV Patrol.

Una, magbigay-pugay sa lahat ng bumubuo ng programa.
Pangalawa, ipaabot ang kanyang saloobin tungkol sa mga negatibong komento ng isang anchor sa dapat sana'y magagandang pangyayari sa kanyang termino.
"Stick to the facts," ang winika ni PNoy.
Pangatlo, payuhan ang mga mamahayag na maging "balanse" sa pag-uulat at pagbibigay ng opinyon.
Narito ang kabuuan ng talumpati ni Presidente Aquino:
Mr. Gabby Lopez; Mrs. Charo Santos-Concio; Ms. Ging Reyes; Senator Frank Drilon; Senator Loren Legarda; Secretaries Mar Roxas, Greg Domingo, Ricky Carandang; Chairman Francis Tolentino; Bangko Sentral Governor Sy Tetangco; Mayor Alfredo Lim; Representative Sonny Angara; Commissioner Ruffy Biazon; Commissioner Kim Henares; Chair Sixto Brillantes; past and present officials and staff of TV Patrol and ABS-CBN; fellow workers in government; honored guests; mga minamahal ko pong kababayan:

Magandang gabi po sa inyong lahat.

Dito po magkakaaminan: noon pong kabataan ko, wala pang ANC, wala pang CNN, at aaminin ko po, sa totoo lang, wala pang cable TV.

Kung kailangan mo ng instant news, halimbawa, kapag may bagyo, nawalan ng kuryente, ang tutok namin noong mga panahong iyon: Radyo Patrol.

Sa pag-usad ng panahon, mas naging moderno ang pagbabalita— ang tinig na rumoronda sa himpapawid, nadadagdagan ng biswal na elemento.

At narito na po tayo ngayon, ipinagdiriwang ang Silver Anniversary ng isa sa mga pinakamatibay na institusyon sa pagbabalita: Ang TV Patrol.

Sa loob ng dalawampu’t limang taon, kinilala ang TV Patrol sa tapang at sigasig ng paghahatid ng impormasyon sa mamamayang Pilipino. Sa tuwing may sakuna, naroon kayo upang magbigay ng kaalaman kung paano umiwas sa peligro at disgrasya. Sa tuwing may agam-agam ang publiko ukol sa isyu, kayo ang takbuhan para sa tapat na pag-uulat.

Kaya naman, sa lahat ng bumubuo ng inyong programa, mula noon hanggang ngayon, sa harap man o sa likod ng kamera, talaga namang pong isang mainit na pagbati sa inyong ikadalawampu’t limang anibersaryo. 

Kapag katotohanan ang pinag-uusapan, lagi kong naaalala ang isang sikat na police drama noong ako po’y bata pa. Dragnet ang pangalan po ng programa. At sa pagkalap ng kaalaman, ang bukambibig noong isang bida, and I quote, “Just the facts, Ma’am.”

Hayaan po ninyo akong ilatag ang ilang facts na inihayag natin sa SONA noong Lunes:

Five point two million sa pinakamahirap na kabahayang Pilipino ang buong-buo at walang-bayad nang makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth. Fact po ito.

Bago matapos ang susunod na taon, ubos na ang minana nating 66,800 na kakulangan sa silid-aralan. Fact na naman po ito.

Tinitiyak na po ang kalidad ng higit sa 70,000 na mga baril na ipagkakaloob sa natitirang 45 porsyento ng ating kapulisan. Matapos po ang prosesong ito, magkakaroon na tayo ng one-is-to-one ratio ng pulis at sa armas na kailangan po nila sa kanilang trabaho. Fact din po ito.

Ilan lang po ito sa mga pagbabagong tinatamasa ngayon, at nakamit po natin ito sa unang dalawang taon pa lamang ng ating pamamahala.

Nang mag-umpisa tayo bilang Pangulo, ni wala po tayong masipat na “light at the end of the tunnel.” Ni hindi nga po kami sigurado kung may dulo pa ang balon ng problemang ipinamana sa atin. Wala naman po sigurong magkakaila, napakalaki na ng ipinagbago ng ating bansa. At palagay ko po naman, fact din po iyan sa ating lahat. 

Huwag po sana ninyong mamasamain, tutal kaharap ko na po kayo ngayon, at one night lang naman sa 365 days ng isang taon ko kayo makakausap. Tingnan po natin ang paghahayag ng inyong institusyon.
Noong Oktubre ng nakaraang taon, may isang reporter kayo ang nagbabalita sa NAIA 3. Ang sabi niya, sa puntong iyon, tumaas ng dalawampung porsiyento ang passenger arrivals sa paliparan. Magandang balita, at higit sa lahat, fact po iyan.  

Sa kabila nito, nakuha pa pong humirit ng isang anchor n’yo at ang sabi po niya, and I quote, “Nasa NAIA 3 ka kasi; kung nasa NAIA 1 ka, doon malala.”

Sa loob-loob ko po, anong kinalaman ng ibinabalita sa NAIA 3 sa NAIA 1? May nagsabi po bang ayos na ayos na ang NAIA 1? Kung mayroon man ho, hindi kami. Nakaligtaan niya atang mahigit 30 anyos na ang istrukturang ito.

Napapaisip nga po ako: ‘yung nagkomento nito, hindi ba’t anim na taon ding tumangan sa renda ng gobyerno? Sabihin na po nating minana lang din nila ang problema; ‘di hamak mas luma naman ang ipinamana nilang problema sa amin. Anim na taon ang ipinagkaloob sa kanya para tumulong sa pagsasaayos ng mismong inirereklamo niya. Pero ngayon, tayo na nga ang may bitbit na problema, tayo na nga ang tutugon dito, pero, masakit nga ho, may gana pa tayong hiritan ng nagpamana?

Naalala ko rin po nang na-recover ng NBI ang isang banyagang bata na nakidnap. Ang ganda na po sana: nakakuha ng tip ang awtoridad, kumilos sila, at na-recover ang bata.

Masaya ang mga magulang na kapiling na muli nila ang kanilang anak; masaya ang bata na kayakap niya ang kaniyang ama’t ina; masaya ang awtoridad na maayos at matagumpay ang operasyon nila.

Mukhang ang hindi lang masaya, ito nga pong anchor natin na nagawa pa uling humirit na baka raw na-set-up lang raw ang rescue operation, at binayaran lang talaga ang ransom.

Kahit anong pilit ng reporter na malinaw ang operasyon, nag-surveillance ang mga taga-NBI, at talagang natiyempuhan nilang walang nakabantay sa bata, pilit pa rin po nang pilit ang anchor.

Sabi nga ho ng nanonood kong kasama, “Naman.”

Kami pa po mismo ang magagalak kung makakapaghain kayo ng kapirasong ebidensya ukol dito, at kung mayroon nagkamali, usigin natin ang mga nagkamali.

May naitutulong po ba ang mga walang-basehang spekulasyon, lalo na kung lumalabas ka sa telebisyon at sinusubaybayan ng sambayanan? Kung nagbabangkaan lang tayo sa kanto, hindi problema ang mga walang-basehang patutsada. Pero kung alam mong opinion-maker ka, alam mo rin dapat na mayroon kang responsibilidad. Sana po, sa tuwing sasabihin nating, and I quote, “magandang gabi, bayan,” ay totoong hinahangad nating maging maganda ang gabi ng bayan.

May isa pa po: Ang pagtaas-baba po kasi ng pamasahe, dumadaan sa mahabang proseso. Minabuti po nating makipag-ugnayan sa transport groups, sa pangunguna po ni Secretary Mar Roxas, upang bumuo ng kasunduang makatuwiran.

Dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan, malaki ang naging gastusin ng mga tsuper sa pataas na pataas na presyo ng krudo, kaya oras na umabot ang diesel sa napagkasunduang presyo, ibibigay sa kanila ang kanilang fare hike para matulungan naman.

Ngunit sang-ayon sila na kapag bumalik ang presyo’t bumaba rin ang presyo ng krudo, magkukusa rin silang ibaba ang pamasahe. 'Ika nila, imbes na sumobra ang tubo, bilang Pilipino ay magmamalasakit kami sa kapwa Pilipino.

Ibinalita po ito ng field reporter ninyo. Good news po talaga: Ang risonableng mungkahi, napagbigyan; ang pamahalaan, grupo ng tsuper, nagtulungan. Panalo ang sambayanan.

Ang problema, nagawa pa rin itong sundutan ng komentaryo. Matapos i-report, ang pambungad na tanong ng inyong anchor: Ano raw ba ang angal ng mga grupo sa akin po. Ang reaksiyon ko, “Saan naman nanggaling ‘yun?”

Nagkasundo-sundo na tayong tugunan ang isang problema, mayroon pang naghahanap ng angal.

Nagkakasundo na nga, para bang gusto pa ring pag-awayin.

Mahirap pong isipin na bahagi ito ng inyong job description. ‘Di po ba kung umangat ang ating kalagayan, tayo ang panalo; at kung lumubog naman ito, tayo rin naman ang talo? Bakit parang mas gusto ng iba na makita tayong lumulubog?

Kung gabi-gabing bad news ang hapunan ni Juan dela Cruz, talaga namang mangangayayat ang puso’t isip niya sa kawalan ng pag-asa.

Mayroon po kayong The Filipino Channel, kung saan napapanood ng mga dayuhan at ng ating mga kababayan sa ibayong dagat ang mga balita sa Pilipinas. Isipin po natin: bawat isang turistang bumibisita sa bansa tinatayang isang trabaho ang naglilikha.

Ilang turista kaya kada buwan ang nagka-cancel ng bakasyon dahil sa araw-araw na negatibismo? Ilan kayang kababayan ang nawawalan ng pagkakataong magkaroon ng kabuhayan dahil sa bad news na ito?

Kung isa po kayo sa sampung milyon nating kababayan na nagsasakripisyo sa ibayong-dagat, gaganahan kaya kayong bumalik dito kung mas nakakasindak pa sa Shake, Rattle, and Roll ang balita sa telebisyon? Kailan pa po ba naging masama ang pagpapahayag ng mabuting balita?

Sa pagpapatrol ninyo sa bawat sulok ng bansa, tiyak na may nadaratnan kayong mga positibong kuwentong maaaring maging bukal ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga kababayan.

Hindi naman po siguro masusunog ang mga TV sets at radyo ng inyong mga suki kung paminsan-minsan ito ang inyong ibalita. Hindi naman po siguro kalabisang isipin na sa pagtaas ng iniluluwas nating coco water na mahigit 3,300 porsiyento ang inangat, may mahahagilap kayong isang magsasaka na magsasabing, “Dati, itinatapon lang ito. Ngayon napapagkakitaan na namin.”

Sa mahigit tatlong milyong pamilyang benepisyaryo ngayon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, hindi naman po siguro mahirap maghanap ng isang magsasabing, “Malaking tulong ang programang ito.”

Alalahanin po natin: Anumang sinasabi n’yo ay nakakaapekto sa pananaw ng Pilipino—humuhubog sa kanyang mga kilos, sa pagtingin niya sa kanyang sarili, sa kapwa, at sa bayan.

Kapag pinaniwala si Juan na panay pangit ang nangyayari sa lipunan, talagang mawawalan siya ng dahilan para tumungo sa katuparan ng mga adhikain niya. Pero kung nakikita niyang ang dating problema ay nasusulusyonan, mag-aalab ang pag-asa, at magkakakompiyansa siyang sumulong dahil alam niyang may pagbabago na.

Marami pa ba tayong problemang kailangang tugunan, at hindi po magiging madaling lampasan ang mga ito, lalo na kung kaliwa’t kanan ang hilaw na kuru-kuro at spekulasyon.

Sa akin na po mismo manggagaling: Marami pa ring butas ang dinatnan nating sistema at hindi perpekto ang gobyerno, kaya’t kung may pagkukulang kami, ipaalam lang po ninyo.

Parati ko pong ipinapaalala, sa ilang samahan na baka tumataas ang ere: nag-uumpisa ang kaalaman sa pag-amin na hindi lahat ng kaalaman ay nasa akin.

Ako na mismo ang aamin: wala kaming monopolyo sa husay at talino, at hindi kami tama sa lahat ng sandali. Subalit hindi malulunasan ang mga problema kung sa bawat isang hakbang pasulong natin, puro paatras naman ang hila ng ilang gusto tayong ibalik sa dilim ng ating dinatnan.

Kung may paligsahan nga po sa pag-unawa’t pagtitimpi, malamang naman po gold medalist na po tayo diyan. Bahagi po kasi ito ng trabaho natin. Bahagi rin nito ang magsabi ng totoo, at sa gabing ito, inilahad ko lamang po ang katotohanang nakikita ko.

Hindi ko hinihiling na kumatha kayo ng mga gawa-gawang kuwento o pagandahin ang imahen ng gobyerno. Ang akin lang po, kung naibabalita ang mga nagaganap na krimen at trahedya, ibalita rin naman po natin sana kung paano ito naresolba. Kung inilalantad po natin ang kabulastugan, matuto naman din po sana tayong kilalanin ang mga nagagawang kabutihan. At kung may maimumungkahi kayo para lalo nating mapagbuti ang pagsisilbi sa bayan, kami po ay makikinig. Ibalanse lamang natin.

Tandaan na natin sa bawat sulat, sa bawat ulat, ay nag-iiwan kayo ng marka sa publiko, nakakaapekto kayo sa buhay ng kapwa Pilipino.

Ang pagkiling sa negatibismo ay mag-aatras lamang sa dapat sana’y pag-usad na ng ating bayan at mga kapwa Pilipino.

Patuloy po tayong magsumikap upang iangat ang antas ng propesyunalismo, integridad, at kredibilidad sa larangan ng paglilingkod-bayan; patuloy nating isabuhay, bantayan at patingkarin ang ating demokrasya.

Bilang isang lahing Pilipino, sama-sama nating isatinig at ihayag ang ating paninindigan: nandito na ang Pilipinas, tinatamasa na ng Pilipino ang pagbabagong siya rin mismo ang gumawa.


Muli, at ako po’y pagpasensyahan ninyo kung masyadong prangka nagsalita ngayong gabi. Maganda na ho siguro yung totoo ang sabihin para magkaunawan tayo nang maliwanang.


Muli po, binabati ko ang TV Patrol sa inyong ika-25 kaarawan. Maraming, maraming salamat po sa inyong paglilingkod sa bayan at more power po. Magandang gabi po.

2 comments:

  1. With over 30 years of specialisation in seamless flooring,
    Flawless Flooring has managed to satisfy the different and unique requirements of every customer.
    Despite the fact that it uses concrete, an unfriendly environmental material, it has a few advantages over tires and shares most of the earthship advantages.
    And when we would cut for the plumbing work,
    I had to patch around that and make it solid.

    ReplyDelete
  2. This simulator combines
    the realistic control panels and control experience with the military element.
    Sub-Genre: Reality Simulation - Person-centered reality simulation games
    provide the user with the ability to control a single, or sometimes a handful, of individual characters.
    In terms of sheer enjoyment, the Rollercoaster Tycoon series leads the pack.
    Still, within each of these types of simulation games, certain games tend to rise to
    the top. The instruments that lag in real life, lag correctly,
    gyro drift is modeled correctly, the magnetic compass is subject
    to aircraft body forces - all those things that make real world flying a challenge are present.

    ReplyDelete

..Into it? Please leave a comment!

Labels

Dolphy (35) Philippines (32) Manny Pacquiao (28) Manny (25) Boxing (24) Pacquiao (24) Pnoy (23) Video (23) Robredo (19) DILG (18) Jesse Robredo (16) Aquino (15) Masbate (15) Tim (14) Cebu (13) Jessica Sanchez (13) Pres. Aquino (13) ABS-CBN (12) Bradley (12) Pinoy (12) X Factor Philippines (12) American Idol (11) Plane crash (11) Tim Bradley (11) Mon Tulfo (10) PBA (10) X Factor (10) Filipino (9) Manila (9) Timothy Bradley (9) Basketball (8) Bob Arum (8) Eat Bulaga (8) Erwin Tulfo (7) Leni Robredo (7) Raffy Tulfo (7) TV5 (7) Ben Tulfo (6) Gloria Arroyo (6) Jesse (6) KC Concepcion (6) Music Video (6) Quizon (6) Timothy (6) Ateneo (5) Carabuena (5) Charice Pempengco (5) Chris Tiu (5) Concert (5) Eulogy (5) Gangnam Style (5) KZ Tandingan (5) Lourd de Veyra (5) NBA (5) Naga City (5) OPM (5) Phillip Phillips (5) Smart Gilas (5) Supreme Court (5) Tito Sotto (5) Vic Sotto (5) Zsa Zsa Padilla (5) 2012 (4) Annabelle Rama (4) Apple (4) Capt. Bahinting (4) Champion (4) China (4) Chiz Escudero (4) Death (4) Derek Ramsay (4) Documentary (4) Dolphy Quizon (4) Earthquake (4) GMA (4) Japan (4) Joey de Leon (4) Juan Manuel (4) Kris Aquino (4) Lourd (4) Manny Pangilinan (4) Manuel Marquez (4) Mar Roxas (4) Marquez (4) Mayweather (4) Mobile phone (4) Ninoy (4) Ninoy Aquino (4) PBA Draft (4) President (4) Raymart Santiago (4) Replay (4) Robert Carabuena (4) Rondo (4) Sec. Jesse Robredo (4) Toshiaki Nishioka (4) Tulfo (4) UK (4) US (4) Zsa Zsa (4) 33rd Anniversary (3) Anabelle Rama (3) Angelica Panganiban (3) Anne Curtis (3) Asia (3) Ate Gay (3) Blue Eagles (3) Boy 2 (3) Celtics (3) Charice (3) Charlie Watts (3) Chito Alcid (3) Chiz (3) Comedy Bar (3) Congressman (3) Corona (3) Eric Quizon (3) Eugene Domingo (3) FIBA (3) FIBA Asia 2012 (3) Floyd (3) Floyd Mayweather (3) Heart Evangelista (3) Jacintha (3) Jinkee (3) Jones Cup 2012 (3) Jose and Wally (3) Kate (3) Kris (3) Mac (3) Marcos (3) Maria Lourdes Sereno (3) Mexico (3) Miami Heat (3) Mindanao (3) News (3) Noli de Castro (3) Nonito Donaire (3) Noynoy Aquino (3) Nurse (3) Olympics 2012 (3) Pacman (3) Patricia Robredo (3) Philippines Tragedy (3) Piolo Pascual (3) Prank call (3) Prsident Aquino (3) RH Bill (3) Raymart (3) Roxas (3) SMART- Gilas (3) Senator (3) Sept. 1 (3) Sereno (3) Sotto (3) USA (3) UST (3) WBO (3) WBO Title (3) Wil Time Big Time (3) Willie Revillame (3) Word of the Lourd (3) iPhone 5 (3) suicide (3) 6th round (2) Actress (2) Allan K. (2) Anti-China (2) Araneta Coliseum (2) Australia (2) Australian DJ (2) Bamboo (2) Barriga (2) Beatles (2) Bench (2) Benigno (2) Blair (2) Blast (2) Boston Celtics (2) Boy 2 Quizon (2) Break up (2) Celebrity (2) Chief Jusice (2) Chief Justice (2) Chinese Taipei (2) Chris (2) Claudine (2) Claudine Barreto (2) Coach (2) Comedy (2) Corruption (2) Cory Aquino (2) Court of Appeals (2) Dave Grohl (2) Derek (2) Donaire (2) Eat Bulaga Indonesia (2) Entertainment (2) FIBA 2012 (2) Filipino boxer (2) Freddie Roach (2) Funny (2) GMA 7 (2) GMA News (2) GMA-7 (2) GMA7 (2) Gary V. (2) Gerald Anderson (2) Ginebra (2) Gloria Macapagal- Arroyo (2) Growling Tigers (2) Heart (2) Heat (2) Hollywood (2) IBF (2) India (2) Indonesia (2) Interview (2) John Lloyd Cruz (2) Jonas Brothers (2) Jones Cup (2) Jones Cup 2012 Championship (2) Jose (2) Joshua Ledet (2) Judy Ann Santos (2) Junemar Fajardo (2) Kate Middleton (2) Kevin Garnett (2) Knock out (2) Korea (2) Korean Rapper (2) LA Tenorio (2) Lady Gaga (2) Legacy (2) Little Miss Philippines 2012 (2) Live (2) London Olympics (2) MILF (2) MMDA (2) MMDA Enforcer (2) MMDA Traffic Enforcer (2) MVP (2) Malacanang (2) Miami (2) Movie (2) Naga (2) Nevada (2) Nonito Donaire Jr. (2) Norman Black (2) Noynoy (2) OFW (2) Oklahoma (2) Oprah (2) Osang (2) PSY (2) Pacquiao- Marquez 4 (2) Paul Pierce (2) Philippine Politics (2) Pidol (2) Pinoy Celebrity (2) Post Fight (2) Prince William (2) Rajon Rondo (2) Rematch (2) Renato Corona (2) Ringo Starr (2) Rufa Mae (2) Rufa Mae Quinto (2) Ruffa Guttierez (2) Ryzza Dizon (2) Samar (2) San Juan (2) Sarah Geronimo (2) Sec. Robredo (2) Sen. Sotto (2) Sen. Tito Sotto (2) Senate (2) Sharon Cuneta (2) Split (2) Split decision (2) Stand up comedian (2) Steve Tyler (2) TV Patrol (2) Tenorio (2) Thinner (2) Thunder (2) Tiu (2) UAAP (2) Vandolph (2) Video Display (2) Wally (2) Wasak (2) X Factor Grand Finals (2) $1M (1) 13 (1) 2013 Elections (1) 24 Oras (1) 30 (1) 35th Gawad Urian (1) 36 (1) 3rd death anniversary (1) 5 Peat (1) 5 in a row (1) 57 (1) 7.6 Magnitude (1) 7.7 Magnitude (1) ADMU (1) AKTV 13 (1) ANC (1) ARM (1) Abrazado (1) Abueva (1) Activist (1) Adam Levine (1) Adventist (1) Aftershocks (1) Aga Mulach (1) Aika (1) Aika Robredo (1) Ako Bicol (1) All at once (1) Allen (1) America (1) Amy (1) Amy Perez (1) Anabelle (1) Anabelle Rama. Rama (1) Android (1) Android Phones (1) Angel Aquino (1) Angelica (1) Angus (1) Angus T. Jones (1) Anne (1) Annebisyosa (1) Apo hiking society (1) Apple shops (1) Archdiocese (1) Archer (1) Arnel Pineda (1) Arroyo (1) Arum (1) Asian (1) Assasination (1) Associate Justice (1) Audio (1) Australian (1) Aviatour (1) Award (1) B-Meg (1) BIR (1) Baguio (1) Bahinting (1) Balita (1) Barangay Ginebra (1) Barrack Obama (1) Barreto (1) Beastie Boys (1) Beautiful stars (1) Beijing (1) Ben (1) Benguet (1) Benigno Aquino III (1) Best Actor (1) Best Actress (1) Bianca Manalo (1) Big Dome (1) Big J (1) Billboards (1) Billiard (1) Birhday (1) Black (1) Blogger (1) Bloggers (1) Bmeg (1) Board Exam (1) Bob (1) Bomb (1) Bong Revilla (1) Boston (1) Brian Viloria (1) Britain (1) Brod Pete (1) Bunawan (1) Burial rites (1) CEO (1) CPDRC (1) Cagayan de Oro (1) Callalily (1) Canada (1) Captain America (1) Caridad Tulfo (1) Carmina Villaroel (1) Cebu City (1) Cebu divers (1) Celebrities (1) Celine Dion (1) Chad Kinis (1) Chairman (1) Championship belt (1) Charlene Gonzalez (1) Christian Bautista (1) Ciara Sotto (1) Cinemalaya (1) Claudin Barreto (1) Co-pilot (1) Coco Martin (1) College (1) Comedy King (1) Comelec (1) Comment (1) Concert Tour (1) Congresswoman (1) Consolacion (1) Conspiracy theory (1) Controversial (1) Cory (1) Country (1) Crash plane (1) Creed (1) Cris (1) Cris Kesz Valdez (1) Crocodile (1) Cry (1) Cyber (1) Cyber Law (1) Cyber crime (1) Cybercrime (1) Cybercrime law (1) DILG Secretary (1) DOTC (1) Daddy's Home. Allen (1) Dance (1) Davao (1) Davao del Sur (1) David Letterman (1) Dawn Zulueta (1) Debate (1) Democratic Convention (1) Denver Cuello (1) Derek Ramsey (1) Device (1) Digram (1) Dionisia (1) Director (1) Disaster (1) Dish (1) Disqualified (1) Divers (1) Dolphy Jr. (1) Don Henley (1) Dong (1) Dong Abay (1) Draft (1) Drummer (1) Drummers (1) Duet (1) Duterte (1) Dwyane Wade (1) Dwyane Wade. Lebron James (1) EB 33 (1) East Finals (1) Economy (1) Eddie Garcia (1) Eddie Guttierez (1) Efren Reyes (1) Elephant (1) Environment (1) Erap (1) Eraserheads (1) Eric Tai (1) Erik Spoelstra (1) Escudero (1) Espinosa (1) Esquire (1) FIBA Asia (1) FIBA Asia Cup (1) Fabros (1) Facebook (1) Faster (1) Felipe Gozon (1) Fernando Poe Jr. (1) Fight plan (1) Fil- Am (1) Filipino Flash (1) Filipino news (1) Filth (1) Finals (1) Finlas (1) Flag (1) Foo Fighters (1) Forbes (1) Fraternity (1) Full Video (1) Gabriel (1) Gadget (1) Game 1 (1) Game 5 (1) Garcia (1) Gary V. Charice Pempengco (1) Gawad Urian (1) Gerry Ortega (1) Gina Rinehart (1) Girlfriend (1) Gloria (1) God (1) Google (1) Grand Finals (1) Grand Winner (1) Grandsons (1) Greatest Hits Album (1) Gringo (1) Guttierez (1) Harden (1) Harry (1) Harry Reid (1) Hayden Kho (1) Hazing (1) Helen Gamboa (1) Henry Sy (1) Hero (1) Hodge (1) Honasan (1) Hospital (1) Hospital arrest (1) Hotel (1) Huling El Bimbo (1) Huling Sayaw (1) Hulk (1) ICU (1) Ikot ng Mundo (1) Illegal Trade (1) Image (1) Imelda (1) Impeachment (1) Indiana Pacers (1) Indie (1) Inmates (1) Intel (1) Internet (1) Iran (1) Ironman (1) It's Showtime (1) Ivory (1) Iza Calzado (1) J.Lo (1) JB (1) JLo (1) James Morrison (1) Jamir Garcia (1) Jarencio (1) Jennifer Holliday (1) Jennifer Lopez (1) Jennifer Sanchez (1) Jessica Soho (1) Jessup (1) Jim Carrey (1) Jim Paredes (1) Jim Toth (1) Joe Adam (1) Joel Reyes (1) Joel Torre (1) John Pratts (1) Jones (1) Jose Rizal (1) Joseph Estrada (1) Journey (1) Juan for all (1) Judges (1) KZ (1) Kamikazee (1) Keith Richards (1) Kevin Durant (1) Kings (1) Kissing scene (1) Knocked out (1) Knockout (1) Krista Ranillo-Lim (1) Kshitz Chand (1) Kuwaiti police (1) Kyla (1) Kyocera Echo (1) Langit (1) Lars Ulrich (1) Laugh and Sing (1) Lebanon (1) Lebron James (1) Letterman Show (1) Lex Leonum Fraternitas (1) Liam Neeson (1) Libel (1) Liz Alindogan (1) Lolong (1) London (1) Lucio Tan (1) Lucy Liu (1) Lucy Torres (1) Luis (1) Luis Manzano (1) MILF Chief (1) MMA (1) MTRCB (1) Mac. iPhone (1) Madison (1) Maja (1) Maja Salavador (1) Makati Hospital (1) Makati Medical Center (1) Malaysia (1) Man of the poor (1) Manalac (1) Manu Ginobilli (1) Manuel Roxas 2 (1) Mar (1) Marbel (1) Maria Aragon (1) Marielle Rodriguez (1) Marilou Diaz-Abaya (1) Mario Reyes (1) Mark (1) Maroon 5 (1) Martin Nievera (1) Mathebula (1) Mayor (1) Mayweather Sr. (1) Media (1) Men In Black III (1) Michael V. (1) Mick Jagger (1) Miley Cyrus (1) Mining (1) Minsan (1) Mirriam (1) Mirriam Santiago (1) Missing (1) Mitt Romney (1) Mom (1) Mon (1) Mother's Day (1) Motorola (1) Msgr. Cristobal Garcia (1) Mugen (1) My Story (1) NCCA (1) National Artist award (1) Nepal (1) Nepalese (1) New Tigers (1) New Zealand (1) Newspapers (1) Nishioka (1) Northern (1) Northern Philippines (1) Noshioka (1) Novak Djokovic (1) Nurses (1) Nursing (1) Nursing Board Exam (1) Obama (1) October 19 (1) Ogie Alcasid (1) Oklahoma Thunder (1) Omar Nino Romero (1) Online (1) Oppa (1) Oscar (1) PBA Finals (1) PH (1) PLDT (1) PLDTm Smart (1) PM (1) Palace (1) Palawan (1) Par Que (1) Party List (1) Passion (1) Paulo (1) Paulo Avelino (1) Peace (1) Peace prize (1) Petron Blaze (1) Phil Collins (1) Philadelphia Sixers (1) Philip Morris (1) Phivolcs (1) Pido Jarencio (1) Pilipinas (1) Pilita Corrales (1) Pilot (1) Pinay (1) Pinoy Gangnam Style (1) Piper Seneca (1) Plane (1) Pnoy. Aquino. Naga (1) Poem (1) Pofile (1) Point guard (1) Police (1) PolyEast Records (1) Pope (1) Pope francis (1) Popular Shows (1) Post (1) Post Fight Interview (1) Powerful (1) Presidentiable (1) Presidential debate (1) Press Conference (1) Priest (1) Prince (1) Prisoners (1) Profile picture (1) Prone (1) Protesters (1) Puyat (1) Qatar (1) Question and answer (1) Quezon City (1) Rage (1) Rain or Shine (1) Ram Revilla (1) Rama (1) Ramgen Revilla (1) Ramon Revilla (1) Ramsey (1) Rapes (1) Ravena (1) Raxr (1) Red Cross (1) Reese Witherspoon (1) Relationship (1) Reproducive Health (1) Revelation (1) Reyes brothers (1) Richest drummer (1) Richest woman (1) Rivalry (1) Robert Jaworski (1) Rock and Roll (1) Rock band (1) Rody Duterte (1) Rolling Stones (1) Romulo (1) Romulo Macalintal (1) Ronnie Wood (1) Ryzza (1) SM (1) Salva (1) Sam Pinto (1) San Antonio (1) Sandiganbayan (1) Santiago (1) Santo (1) Sarah G. Live (1) Sarah Pope (1) Score card (1) Season 11 (1) Season 75 (1) Secretary Robredo (1) Semi- finals (1) Sen. Honasan (1) Senator Chiz (1) Seventh day Adventist (1) Shalani (1) Sharp Aquos Hybrid (1) Sharper (1) Sheryl Cruz (1) Shocking (1) Showbiz (1) Slapshock (1) Smart Araneta Coliseum (1) Smartphone (1) Snapdragon (1) So Funny (1) Social Networking Site (1) Soledad (1) Solo (1) Solo Concert (1) Sony Ericsson (1) Sony Xperia (1) South (1) South East Asi (1) Southborder (1) Spoelstra (1) Spurs (1) Stabs (1) Stand up comedy (1) Steve Jobs (1) Story (1) Street Kid (1) Striegl (1) Study (1) Suit (1) Super Funny (1) Supermoon (1) Survey (1) Susan Roces (1) Sydney (1) T-Mobile G1 (1) TLC (1) TRO (1) Tacurong (1) Tagalog (1) Taipei (1) Taken 2 (1) Takeoff (1) Talk n Text (1) Tanquincen (1) Tax evasion (1) Taxi driver (1) Tennessee James (1) Tennis (1) Thailand (1) The Avengers (1) The Ellen DeGeneres Show (1) The Filipino Flash (1) The Fray (1) The King (1) Third disaster prone (1) This Guy's In Love With You Mare (1) Thor (1) Ticketmaster (1) Tim Duncan (1) Title (1) Tito (1) Tolentino (1) Tomas OsmeƱa (1) Toni (1) Toni Gonzaga (1) Tony Parker (1) Top 10 (1) Top 9 (1) Top Ten (1) Top athlete (1) Topnotchers (1) Trade (1) Trainer (1) Tribute (1) Tricia (1) Trillanes (1) Trophy (1) Tsinelas (1) Tulfo brothers (1) Twitter (1) Two and a half men (1) U.S Citizen (1) U2 (1) UP (1) US Senator (1) Uge (1) Unconstitutional (1) Upsilon Phi Sigma (1) Valdez (1) Variety Show (1) Vatican (1) Vhong Navarro (1) Vice (1) Vice Ganda (1) Vilma Santos (1) Vitalii Sediuk (1) WBA (1) WBC (1) WBF (1) WPA (1) Wanted (1) Waterfalls (1) Weekend (1) Weigh-in (1) Whitney (1) Will Smith (1) Willie (1) Willing Willie (1) Women (1) World (1) Yacht designer (1) ZTE (1) Zanjoe Marudo (1) Zia Quizon (1) bata (1) biography (1) e-Martial Law (1) gay (1) magazine (1) no. 7 (1) phone (1) sitcom (1) son's death (1)
Online Filipino Community