Matapos ma-disband ang Apo Hiking Society ay nagkaroon ng kanya-kanyang buhay sina Danny Javier bilang full-time business man, Boboy Garovillo na nagfocus naman sa pag arte sa TV at pelikula at si Jim Paredes na ipinagpatuloy ang pagsusulat ng kanta at pag-awit.
Pagkaraan nga ng 41 na taon sa industriya ay ngayon lamang nagkaroon ng kauna-unahang solo concert si Jim Paredes na pinamagatang Live, Laugh and Sing. Ginanap ito noong October 11, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World.
Kabilang sa concert sina Yeng Constantino, Ebe Dancel, Noel Cabangon, Jett Pangan at Boboy Garovillo.
No comments:
Post a Comment
..Into it? Please leave a comment!